Pangambang nagtataglay ng poppy seed ang ilang tinapay, pinawi na

PINAWI ng Philippine Federation of Bakers Association Inc. ang pangamba ng publiko kaugnay sa ‘expose’ ni senador Tito Sotto na nagtataglay ng poppy seed ang ilang tinapay.

Ayon kay Chito Chavez, bise presidente ng grupo, hindi ginagamit ng mga panaderya ang poppy seed sa paggawa ng pandesal at loaf breads dahil masyado itong mahal.

Una rito, aminado ang Food and Drugs Administration na walang umiiral na pagbabawal sa paggamit ng pinatuyong poppy seeds sa mga tinapay at iba pang pastry products.

Sinabi ni FDA Director Suzette Lazo na maging sa ibang bansa ay pinapayagan ang pagbibenta ng ‘dried poppy seeds’ dahil wala naman itong addictive o narcotics content.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Sotto na nakatanggap siya ng report ng dangerous drugs board na ang food products na may halong opium poppy seeds ay lantarang ibinebenta ngayon sa ilang grocery, bakeshop at supermarket.

Mula sa DZAR1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*