7.2 na lindol nakaamba sa Metro Manila

NAKAAMBA umano ang isang 7.2 magnitude lindol sa Metro Manila.

Ito’y matapos aminin ni Phivolcs Deputy Director Bartolome Bautista sa pagdinig ng Senate Commitee on Climate Change at Environment and Natural Resources na hinog na at maari ng gumalaw ang Marikina West Valley fault line.

Base aniya sa isinagawang Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study noong 2004, tuwing 200 hanggang 4,000 gumagalaw ang nasabing fault line at huli itong gumalaw 200 taon na ang nakakaraan.

Ang nasabing fault line umano ay matatagpuan mula Sierra Madre hanggang sa Tagaytay.

Napakataas na aniya ang probability na gumalaw ito sa hinaharap bagama’t hindi pa masasabi ang eksaktong araw at oras.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Comments

  1. Roxanne Meg says:

    we have to follow those earthquake precautions and safeties in our TV.

    oh well, i even don’t afraid to die, if it’s your TIME, then you cannot change it anymore.

    FAITH with GOD.

  2. JEREMY zafe says:

    I am elated that more and more LGUs are becoming high achievers, showcasing reforms and innovations in good governance in their respective localities

Speak Your Mind

*