Sunog sa Quezon City libong kabahayan ang natupok ng apoy

TINATAYANG ilang libong kabahayan ang natupok ng apoy sa naganap na sunog sa isang residential area sa Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsimula ang sunog sa Brgy. Culiat at umabot sa Task Force Bravo bago ito naapula makalipas ang tatlong oras.

Dahil dito ay aabot sa sampung milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo habang higit 800 pamilya naman ang nawalan ng tirahan.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaalam ang naging sanhi ng naturang insidente.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*