SINAMPAHAN ng 1.1 billion pesos smuggling case, ng Bureau of Customs (BOC), sa Department of Justice (DOJ), ang kilalang meat processing firm na CDO.
Ito ay dahil sa umano’y undervaluation ng kanilang mga imported products mula sa iba’t-ibang bansa,kung saan nagbayad lamang sila ng mahigit sa anim na milyong piso, para sa 207 buffalo meat, na dapat sana ay 1.1bilyong piso, ang kanilang import duties.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Rolando Juan Cruz, ang Assistant Vice President for Finance ng CDO-Foodsphere Inc. at Romeo Lerit, na isang customs broker.
Bukod dito, pineke rin umano ng mga opisyal ang invoice ng transaction, para maitago ang kanilang iligal na gawain.
Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center
Related News:
- P1.1 billion smuggling case na isinampa ng BOC laban sa CDO, mababasura lang
- Importer ng palm oil kinasuhan ng BOC
- Kampanya ng BOC at BIR laban sa smugglers at tax evaders, tagumpay
- P5.7 M halaga ng kalakal, nasabat ng BOC
- Meat holiday, hindi na matutuloy
- Dalawang dating executive ng DOJ at GSIS, kinasuhan ng tax evasion
- Paghihigpit ng Insurance declaration para sa mga importer, ipapatupad ng BOC
- Chemical firm, sinampahan ng kasong smuggling
- Meat holiday, tuloy na
- Budget deficit ng bansa bumaba
