DSWD at MBC may scholarship program para sa mga Kolehiyo

MAGKATUWANG ang Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) at Manila Business College (MBC) sa pagbibigay ng scholarship para sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral.

Pinagtibay nila ang nasabing pagtutulungan sa pamamagitan ng pagpirma sa memorandum of agreement kahapon sa DSWD-Central Office, Batasan Pambansa Complex, Quezon City.

Sa ilalim ng nasabing programa naatasan ang DSWD na siyang mag-disseminate ng information hinggil sa MBC unlimited Scholarship Program para sa mga benepisyaryo ng nasabing programa.

Mayroon ding nakalaang  slot para sa mga benepisyaryo mismo ng DSWD.

Ang nasabing scholarship ay sa loob lamang ng isang taon ngunit maari itong i-renew sa susunod na taon kung namintina ng maayos ang mga grado ng benepisyaryo.

Ang aplikante ay dapat umabot ng 82.5% ang general point average (GPA) sa high School.

Para sa school year 2011-2012 sinmulan na ang pag-apply sa nasabing programa noong April 1 at matatapos ito sa  April 30 ngayong taon.

Ang sinumang nagnanais na maka-avail sa nasabing programa

ay maaring tumawag sa  Program Management Bureau sa 951-7437 o 931-8I01 locals 48 at 409.

Comments

  1. pano po mg applly ng scholarship ninyo gusto ko po kasi makapag aral sa college?

  2. PANU PO AKO MAKAKAPAG APPLY SA INYO SALA,MAT PO

  3. pewde poh ba ako mag apply kaso second year plang ako…gusto ko kasi mkatapos ng pag aaral// 18 years old plang ksi ako ehh

Speak Your Mind

*