Isang suspek , sampung patay sa China

TINUTUGIS ngayon ng mga pulis ang isang lalaking suspek sa pagpatay ng sampung tao kabilang ang kanyang asawa, anak at ama sa lunsod ng Anshan sa probinsya ng Liaoning ayon sa opisyal ng Xinhua News Agency.

Ayon sa mga pulis, hinahanap nila ang suspek na si Zhou Yuxin, 33, may-ari ng bathhouse at car wash kungsaan natagpuan ang mga bangkay ng kanyang asawa, ang kanyang anak na lalake, at ama. Kabilang sa natagpuang bangkay ay ang isang babaeng manggagawa ng bathhouse, tatlong miyembro ng pamilya ng landlord ni Zhou at ang tatlong manggagawa ng car wash.

Ayon sa mga pulis, may ugnayan sa ekstramarital ang nasa likod ng nasabing krimen.

Speak Your Mind

*