FDA pinuri ang Nestle Philippines

 

PINURI ni Food and Drugs Administration (FDA) Dir. Suzette Lazo ang Nestle Philippines na siyang nagmamay-ari sa maggi noodles hinggil sa ginawa nitong boluntaryong pagtanggal ng kanilang produktong noodles sa merkado.

 

Ito’y matapos umanong makitaan ng salmonella ang maggi rich mami noodles beef flavor na nabibilang sa ikalawang batch.

 

Ngunit, paglilinaw ni Nestle Philippines Corporate Communications Head Alu alipao, tanging ang mga maggi beef flavor lamang ang may salmonella at hindi kabilang ang chicken flavor dito.

 

Aniya, hindi rin umano nangangahulugan na ihihinto na nila ang paggawa ng nasabing produkto kundi ay pansamantala lamang ititigil ang produksyon nito habang isinasagawa  pa ang imbestigasyon.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

 

Speak Your Mind

*