Maggi instant noodles, positibo sa salmonella

INIHAYAG ng multinational food manufacturer na Nestle Philippines, na pansamantala muna nilang bawiin ang lahat ng kanilang produktong Maggi instant noodles.

Ito ay matapos mabatid na positibo ito sa salmonella, isang klase ng bacteria na nagdadala ng sakit na high grade fever, pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Pinapayuhan din ni Nestle Philippines Chief Corporate Communications Consultant Ed Tamayo, ang mga consumers na nakabili ng naturang produkto na tumawag lamang sa kanilang hotline na 898-00-61, saaling magkaproblema.

Kaugnay nito, pansamantala na munang itinigil ng nestle ang kanilang produksyon sa instant noodles, habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pinanggalingan ng naturang salmonella contamination.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

 

Speak Your Mind

*