Puwesto sa DOTC, tinanggap na ni Mar Roxas.

PORMAL nang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III na si dating Sen. Mar Roxas ang magiging bagong kalihim ng Dept. of Transportation and Communication (DOTC) , kapalit ng nagbitiw na si Sec. Jose Ping De Jesus.

Magugunitang una nang tinanggihan ni Roxas ang naturang posisyon upang paboran ang mas maimpluwensyang Presidential Chief of Staff.

Subalit, matapos umano ang 3 oras na pakikipagpulong kay P-NOY sa Malacañang, pumayag na rin ang dating senador.

Ayon kay P-NOY, inatasan na umano niya si Roxas na kausapin si de Jesus, upang malaman ang kasalukuyang sitwasyon sa DOTC.

Papalitan ni Roxas ang nag-resign na si Ping De Jesus, na magiging epektibo ang resignation, sa Hunyo 30.

Nabatid din na binigyan ng kapangyarihan ng pangulo si Roxas upang mamili ng kanyang magiging kasamahan sa nasabing ahensya.

 

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Media News Center

Speak Your Mind

*