8 kawani ng Davao city, sinibak

SINIBAK sa tungkulin ang walong kawani ng lokal na pamahalaan ng Davao city, matapos magpositibo sa isinagawang random drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Lima sa mga ito ay mula sa Traffic Management Center (TMC) na sina Rodrigo Agatia, Tony Karlo Alba, Michael Jun Alberica, Zaldy Enroba at Froilan Tapang.

 

Habang ang tatlo naman ay naka-assign sa Central 911 rescue unit na kinilalang sina Noel Junsay, Edward Abraham Roscom at Arthur Polino.

 

Una nang pinanindigan ni Davao city Mayor Inday Sara Duterte na ang random drug tests ng lokal na pamahalaan ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang kanyang panunungkulan sa taong 2013.

Mula sa DXRD 711 DAVAO Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*