WikiLeaks info na ‘di kaya ng gobyerno na lipulin ang NPA, kinontra ng 5th ID

CAUAYAN CITY – Nanindigan ang pamunuan ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na marami ng pagbabago sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbaka sa insurhensiya sa bansa.Nagpalabas ng press statement ang 5th ID sa Camp Melchor dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela, kaugnay ng lumabas sa Wikileaks na diplomatic cable na umano’y inihayag ni dating US Ambassador to the Philippines Kristy Kenney na hindi kaya ng pamahalaan na lutasin ang insurgency problem sa bansa.

Naniniwala ang pamunuan ng 5th ID na ibinatay lamang ni Kenney ang kanyang pagtaya sa kalagayang socio-economic ng panahon ng kanyang pagkakatalaga sa Pilipinas ngunit iba na ngayon ang AFP.

Nanindigan ang 5th ID na sa kanilang nasasakupan ay unti-unti nang humihina ang puwersa ng mga makakaliwang grupo.

Patuloy ang kanilang Bayanihan Program sa mga malalayong lugar upang ipaabot umano ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.Sa naging panayam, inihayag ni Col. Mike Fuyao, G-7 ng 5th ID na kung noon ay baril ang ginagamit nila pakikipaglaban sa mga kaaway ng estado ngayon ay aktibo silang tumutulong sa mga tao sa mga liblib na pook upang ipadama ang mga programa ng pamahalaan para hindi sila madaling mahikayat na sumapi sa NPA.

 

Speak Your Mind

*