SONSPEAK PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
DAILY EDITION

Archive for ‘October, 2011’

5 taong gulang tumawag sa 911 sa pamamagitan ng kotse


KAKAIBANG diskarte ang naisipan ng isang limang taong gulang na paslit sa Ohio, U.S.A., para lamang mabilis na mahanap ang kanyang mommy.   Kuwento ng mga pulis, minani-obra umano ng batang si Ameleah Kegley ang  kotse ng kanyang mommy at sadyang itinirik sa gilid ng highway, bago tumawag sa Emergency 911.   Dagli namang rumesponde [...]

Mga bangko titiyaking hindi mauubusan ng laman ang mga ATM


SINIGURADO ng mga bangko sa bansa na sapat ang suplay ng pera sa mga automated teller machine sa darating na long weekend.   Tiniyak ng Bank of the Philippines na nakahanda ang kanilang ATM transactions sa papalapit na Undas.   Ang Bangko De Oro ay nangako na gagawa sila ng mga hakbang para ang mga [...]

Jason Mraz dumating sa bansa


DUMATING sa bansa ang Grammy-winning singer/writer na si Jason Mraz sa ika-3 pagkakataon para sa isang concert.   Kasama ni Mraz ang matalik na kaibigan at percussionist na si Toca Rivera.   Ang nabanggit na singer ay nakatanggap ng awards tulad ng  Best Male Pop Vocal Performance at Best Pop Collaboration with Vocals noong 2010 [...]

Liga ng NBA, may tsansang matuloy ang susunod na season


NAGKAKAROON na ng pag-asa ang NBA para sa resolusyon ng labor issues sa pagitan ng team owners at players nito.   Makalipas ang 15 oras na negosasyon, sinabing may “significant progress” sa pag-uusap ng dalawang partido.   Naniniwala si Players Union’s Executive Director Billy Hunter na maililigtas pa nila ang natitirang 82-game season ng liga. [...]

Saudi Crown Prince itinalaga na


PORMAL ng itinalaga si Prince Nayef, 78 -anyos bilang bagong Saudi Crown Prince na siyang pinakamakapangyarihang interior minister ng nasabing bansa.   Ang naturang hakbang ay kasunod ng pagpanaw ni Crown Prince Sultan Bin Abdul Aziz, 85 taong gulang noong nakaraang linggo bunsod ng karamdaman.   Sa Saudi Arabia, ang batas sa royal succession nito [...]

MTRCB, maghihigpit sa mga bus


HIHIGPITAN na ngayon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), ang mga pinapalabas pelikula sa mga bus, ngayong Undas. Ayon aky MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares, nais nilang masigurong walang pornographic o mahahalay na pelikulang ipinalalabas sa lahat ng unit ng bus, na bumabyahe sa kamaynilaan. Kaugnay nito, magpapakalat ng mga secret agent ang MTRCB [...]

Vigan City, most child-friendly city


BINIGYAN ng parangal bilang Hall of Fame awardee  sa pagiging most child-friendly city sa buong bansa, ang Vigan City. Pangatlong taon na itong nakuha ng Vigan City, dahil sa progresibong implementasyon ng mga programa para sa mga bata. Mismong si pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nagbigay ng nasabing parangal sa isinagawang seremonya sa Malacañang. [...]

Isyu ng smoking ban, i-aapela sa SC


BALAK ngayong i-apela ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),  sa Korte Suprema ang isyu ng smoking ban sa national capital region. Ito’y matapos maglabas ng “writ of preliminary injuction” ang Mandaluyong City Regional Trial Court, laban sa paghuhuli ng mga naninigarilyo, sa mga pampublikong lugar. Paliwanag ng korte, kailangan pa nilang bubusisiin kung may karapatan [...]

3rd party medical opinion kay Arroyo, kinuwestiyon


KINUWESTIYON ng kampo ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, ang plano ng Malacañang na kumuha ng third party medical opinion” para dito. Ayon kay Atty. Raul Lambino, ang pagkakaalam nila ay ang requirements lamang ng Department of Justice (DOJ) ang dapat nilang i-comply upang makapagpagamot ang kanyang kliyente sa ibang bansa. [...]

AFP, handa sa pangreresbak ng mga rebelde


TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahanda ang kanilang puwersa sakaling lumawak pa ang tensyon, sa harap ng isinasagawa nilang law enforcement operation, sa Zamboanga Sibugay. Ayon kay Brig/Gen. Jose Mabanta Jr., Deputy Chief of Staff for Operations, naka-alerto ang kanilang tropa sa posibleng pangreresbak ng mga lawless elements ng kanilang tinutugis. [...]

Advertisement GoPayment



Share This Page


PINAS The Filipino's Global Newspaper is owned, managed and operated by Sonshine Media Network International.
Developed by KJC Multimedia Department IT Section based in Manila.