SONSPEAK PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
DAILY EDITION

Archive for ‘November, 2011’

Ang Kingdom Age (Ikaapat na Bahagi)

PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY

ANG templo sa Jerusalem ay sinunog ng mga mananakop na puwersang Romano sa pangunguna ng Romanong He­neral na si Tito noong 70 A.D., ito ay naghudyat ng katapusan ng Hudyong Kapanahunan o Jewish Age. Tuluyan nang tinalikdan ng Panginoon ang bayan ng Hudyo bilang Kanyang pinili dahil sa kanilang pagrerebelde at pagsusuway sa Kanyang kalooban. [...]

Pagbibigay ng 13th month pay sa baguhang empleyado, ipinanawagan


DAPAT bigyan ng 13th month pay ang lahat ng empleyado sa bansa kahit isa o dalawang buwan lang itong nagtrabaho.   Ayon kay DOLE undersecretary Lourdes Transmonte,  karapatan ng bawat empleyado na makakuha ng 13th month pay kahit ilang buwan pa lang itong nagtatrabaho.   Kasama raw sa dapat bigyan ng ganitong benepisyo ang mga [...]

Niyugan sa Palawan, inatake ng mga peste


INATAKE ng mga pesteng Coconut Leaf Beetle o Brontispa Longgisima ang tinatayang nasa 85,000 ektaryang niyugan sa Palawan.   Apektado nito ang maraming coconut farmers lalo’t hindi sila makapag-export ng niyog.   Dahil dito, agad na naglaan ng pondo ang Provincial Coconut Development manager para sa pagbili ng pesticide at pagkuha ng insektong Earwigs na [...]

SC chief justice, i-impeach?


POSIBLENG mahaharap sa impeachment complaint si Supreme Court Chief Justice Renato Corona, sakaling hindi ito mag-i-inhibit sa kasong may kaugnayan kay dating pangulong Gloria Arroyo.   Ito kasi ang plano ng Bayan Partylist bloc, kung saan “betrayal of public trust” ang magiging ground umano ng kanilang reklamo.   Ayon kay Akbayan Partylist Representative Arlene “Kaka” [...]

SMS, 80 cents na lang—NTC


PINAALALA ng National Telecommunications Commission (NTC) na magiging 80 centavos na lang ang isang text message simula sa araw na ito sa halip na piso.   Pumayag o nagkasundo na ang mga Smart , Globe at Sun Cellular na bawasan ng 20 centavos ang bawat text, matapos ipag-utos ng NTC na bawasan ng 20 centavos [...]

GAA, malalagdaan bago ang Dec. 15


KUMPIYANSA si Sen. Franklin Drilon, head ng senate panel sa Bicameral Conference Committee ng kongreso, na bago ang December 15 ay malalagdaan na ni pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang P1.816 trillion proposed national budget.   Ito’y matapos tuluyang maratipikahan sa kongreso ang naturang panukala.   Ayon kay Drilon, maituturing na makasaysayan ang maagang pagratipika [...]

Plan B ng COMELEC, nakalatag na


NAKALATAG na ang Plan B ng Commission on Election (COMELEC) kung sakaling ideklara ng Supreme Court na labag sa konstitusyon ang binuong DOJ-COMELEC panel.   Ayon kay COMELEC chair Sixto Brillantes,  muli silang magsasagawa ng imbestigasyon kung ito ang magiging desisyon ng SC.   Gayunman, umaasa si Brillantes na papaboran ng kataas-taasang hukuman ang binuo [...]

Pinoy na bibitayin sa China, Malacañang hopeless na


ISA na namang Pinoy ang nakatakdang bitayin sa bansang China, sa December 8 ng kasalukuyang taon, dahil sa drug trafficking.   Hindi na pinangalanan pa ng DFA ang naturang 35-anyos na pinoy na na-convict sa kasong drug trafficking matapos itong makuhanan ng 1.495 kilo ng heroin sa Guangxi, China, noong 2008.   Ayon kay DFA [...]

P-Noy admin, binatikos dahil sa economic slow growth


LANTARANG binatikos ng mga kaalyado ni dating pangulong Gloria Mapacagal-Arroyo, ang administrasyong Aquino kasunod ng mga ulat ng World Bank na pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.   Sa isang pulong balitaan kaninang umaga sa kongreso, sinabi nina deputy minority leader Danilo Suarez na masyado umanong minamaliit ng administrasyong Aquino ang naturang problema, na hindi man [...]

Opinyon ni Atty. Paguia, nirerespeto ng Malacañang


NIRERESPETO umano ng Malacañang ang opinyon ni Atty. Allan Paguia, kaugnay sa legalidad at constitutionality ng Electoral Sabotage Law, na balak nitong kuwestiyunin sa Korte Suprema.   Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may karapatan ito na kuwestiyunin ang naturang batas at kanila itong ginagalang.   Gayunman, ipinaalala ni Lacierda na bago maipasa ang election [...]

Advertisement GoPayment



Share This Page


PINAS The Filipino's Global Newspaper is owned, managed and operated by Sonshine Media Network International.
Developed by KJC Multimedia Department IT Section based in Manila.