Biyaheng Maynila to Albay, ibabalik ng PNR

MATAPOS ang tatlong dekada, balik-byahe na muli ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na mula Maynila patungong Albay at vice-versa.

Ito’y matapos magtagumpay ang isinagawang test run ng PNR kung saan mismong si Albay Governor Joey Salceda ang kasamang sumakay.

Posibleng sa unang buwan ng taong 2012 tuluyang magsimula ang pnr ng kanilang regular na biyahe mula Maynila diretso ng Albay.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*