Gold trader, kinasuhan ng BIR

ISA na namang negosyante ang sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ), dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis.

Kinilala ang respondent na si Junry Daytola Tenorio, isang trader ng ginto mula sa Guadalupe, Cebu City.

Ayon sa BIR, nakapagbenta si Tenorio ng P3.95 bilyong halaga ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) subalit hindi umano nagbayad ng buwis noong 2005 hanggang 2009.

Dahil dito, umabot sa P2.67 bilyon ang hinahabol na buwis ng BIR mula sa nasabing negosyante.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*