MAGSISIMULA na ang Commission on Elections (Comelec) sa paghahanda ng kanilang mga ebidensiya at testimonyang ilalahad sa korte kaugnay sa kasong electoral sabotage na kanilang isinampa laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito’y matapos maghain ng “not guilty plea” si Ginang Arroyo sa isinagawang arraignment sa kaso sa harap ni Pasay City Regional Trial Court judge Jesus Mupas.
Kasabay nito, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na pabor sa kanila ang nasabing hakbang ni CGMA.
Matagal na aniya nilang hinihiling sa korte ang pag-usad ng kaso para makapagsagawa na sila ng susunod na hakbang.
Mula sa SMNI News Center
Related News:
- CGMA, hindi patatawarin ng COMELEC
- Arraignment postponement, tinutulan ni Rep. Arroyo
- Hirit ni CGMA, di na napagbigyan
- Senador Chiz kay CGMA: Harapin mo na lang ang kaso
- Mga doktor ni Arroyo ipa-subpoena
- Urgent motion inihain ng kampo dating pangulo
- Health conditions ni Arroyo, kayang patunayan—Atty. Flaminiano
- Kaalyado ni CGMA, aapela kay PNoy re: pagpapagamot abroad
- CGMA, tiniyak na hindi makaliligtas sa dayaan noong 2004 election
- Unliquidated expenses, di lamang sa Arroyo admin
