PINAYAGAN ng Pasay City Regional Trail Court (RTC) si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na bumisita sa burol ng bayaw nitong si Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo.
Hindi tinutulan ni Pasay City Regional Trial Court Branch 112 Judge Jesus Mupas ang hiling ng kampo ni Arroyo na dalawin sa huling pagkakataon bilang respeto sa bayaw nito sa La Vista Quezon City.
Si Arroyo ay pinayagang makadalaw sa burol bukas February 25, 2012 mula 8:30 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Subalit tutol naman si Commission on Election (Comelec) lawyer Maria Juana Valesa, sa isa pang hiling ni Arroyo na ma-extend ang pagdalaw mula sa March 1 hanggang march 3, 2012.
Ani Valesa, “”Hinihingi nila na si Congresswoman Arroyo na maka visit from March 1 to March 3 dahil daw resident naman sya doon sa La Vista…pero parang furlough na iyan, hindi puwede yan sa amin,”.
Si Arroyo ay kasalukuyang nasa Veterans Memorial Medical Center nagpapagaling habang hinaharap ang kasong isinampa na electoral sabotage.
Related News:
- CGMA bumalik uli sa VMMC
- Motion to bail ni Abalos ipinagpaliban
- Arraignment ni PGMA, tuloy na bukas
- Ampatuan Sr. naghain ng ‘not guilty plea’
- Kasong electoral sabotage hindi tatakasan ni Rep. Arroyo
- Arroyo – mananatiling congresswoman ng Pampanga
- Bookkeeper ni Iggy Arroyo, pinako-contempt
- Testigo vs. Arroyo brothers humarap sa senado
