Asia’s Songbird hindi napigilan ang saloobin

HINDI  napigilan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kanyang saloobin dahil sa komentong “panget mo” sa kanyang instagram na tumutukoy sa picture ng kanyang 4 month old baby Nate.

Ayon sa Songbird, sana siya na lang umano ang sinabihan ng ganoon. Kung dati ay pinapalampas niya lang ang mga ganitong internet “trolls”. Iba na raw kapag naging ina ka, ikaw ang mas nasasaktan.

Sinabi rin Regine sa kanyang Tweeter account, na kung napapangitan kayo kay Nate huwag niyo naman ilathala.

“Bilang nanay siyempre proud akong piktyur-piktyuran yung anak ko feeling ko ang gwapo, siyempre anak ko eh,” dagdag pa nito.

Nagpapasalamat naman si Regine sa kanyang mga Tweeter followers na patuloy na sumusuporta sa kanya at nagsasabing “huwag niya na lang pansinin ang nasabing kumento.”

Kalaunan humingi rin ng paumanhin ang songbird dahil sa hindi umano niya napigilan ang kanyang sama ng loob.

 Naghabilin naman ito sa nagkomento na sana maging masaya ito at pagpalain siya ng Panginoon

Speak Your Mind

*