Business Registration, makukuha sa loob ng 30 minuto

HINDI na mahihirapan ang isang korporasyon sa pagpaparehistro ng kanyang kumpanya dahil hindi na kailangang pumunta pa sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang maisagawa ito.

Dinala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang programang Philippine Business Registry (PBR) sa loob mismo ng Social and Exchange Commission (SEC) upang mas maging mabilis ang proseso.

Makukuha ng korporasyon ang kanilang Tax Identification Number (TIN) mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), employer registration numbers (EARNs), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Home Development Mutual Fund (Pag-ibig).

Ayon kay DTI secretay Gregorio L. Domingo, dati umano umaabot ng halos dalawang araw ang pagpaparehistro ng mga korporasyon ngunit ngayon ay magagawa nalang ito sa loob ng 30 minuto.

Ginagamit na rin ito sa DTI Provincial at Regional Offices para sa sole proprietorship registration.

 

Speak Your Mind

*