Enrile siniguro na hindi magpapa-imluwensya ang mga senator-judges

SINIGURO ni Senate Pre­sident Juan Ponce-Enrile na hindi magpapa impluwensya kahit kanino ang mga senator-judges sa kanilang desisyon sa impeachment case ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Sa kabila ng mga naglalabasang balita na may ilang grupo ang nagla-lobby sa mga senador-judges hinggil sa kanilang desisyon kay Corona.

Ayon kay Enrile, may sarili namang pag-iisip ang bawat sena­tor-judges kaya alam na nila ang kanilang gagawin sa oras na desisyunan na nila ang kaso ni Corona.

Iginiit pa ni Enrile na tanging “clear” at “convincing evidence” lamang ang magiging basehan nila kung dapat bang i-convict o hindi si Corona sa kasong isinampa sa kanya ng prosekusyon.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*