Justice del Castillo, pinalawig ang sick leave

PINALAWIG pa ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo ang kanyang sick leave.

Napag-alamang sa pamamagitan ng kanyang staff, naghain si del Castillo ng two-day extension leave matapos mapaso ang nine-day sick leave nito noong Miyerkules.

Dahil dito, inaasahang sa susunod na linggo pa makakabalik sa trabaho si del Castillo, depende sa rekomendasyon ng kanyang doktor.

Si del Castillo ay una nang sumailalim sa heart bypass operation.

 

 

Speak Your Mind

*