Parusa sa hindi pagre-remit ng SSS contribution pinaigting

MAS pinaigting pa ng Social Security System (SSS) ang paghahabbol sa mga kumpanya o employers na nagpapabaya sa kanilang obligasyon sa mga empleyado.

Ayon kay SSS President at CEO Emilio De Quiros Jr., nasilip ng ahensya na may 9 out of 10 na employers ang may kaso ng hindi pag-remit ng kontribusyon kung saan aabot ng P460 million kabilang ang P217 million na penalty at P360 million na overdue contributions.

Gayunpaman, may mabigat na penalty o parusang anim hanggang labing dalawang taong pagkakulong sa oras na mapatunayan na ang isang employer ay nandaya sa remittance ng premium contributions ng kanilang mga empleyado.

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*