Presyong Retail sa Bagsakan

NGAYONG araw ng Huwebes, ika-15 ng Marso 2012, narito ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila.Mula sa Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market ng Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P140.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P148.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P105.00 hanggangP130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I.Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ngP4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market.

Sa isda, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P90.00 hanggang P130.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P80.00 hanggang P100.00 kada kilo.

Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Bacoor Public Market at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Marikina Market Zone at Pasay Public Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagangP40.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P26.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P22.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P40.00hanggang P80.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P25.00 hanggangP50.00 kada kilo.

Makakabili ng murang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P40.00per kilo sa Viajero Market at Bacoor Public Market. Ang cabbage scorpio naman ay sa Viajero Market sa halagang P26.00 per kilo. Makakabili naman ng P22.00 per kilo ng carrots Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P20.00per kilo naman ay mabibili sa Bacoor Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P40.00 sa Pasig City Mega Market, Viajero Market, New C.I.Market, Pritil Market, Marikina Market Zone at City Market of Antipolo. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P25.00 per kilo sa Pasig City Mega Market, Viajero Market, New C.I. Market at Marikina Market Zone.

Speak Your Mind

*