Warlord ng Congo, hinatulan na ng ICC

HINATULAN ng guilty ang Congolese Warlord na si Thomas Lubanga sa International Criminal Court.

Ang kaso ni Lubanga ay may kaugnayan sa pagpipilit nito na gawing sundalo ang mga batang nasa 15 anyos at pag-uutos sa mga ito na makipaglaban at pumatay.

Maituturing na kasaysayan ang paghatol ng ICC kay Lubanga dahil ito umano ang pinakauna-unahang warlord na hinatulan.

Matatandaang taon 2006 nang  sumuko si Lubanga  at nasimulan ang kaso nito pagkalipas ng tatlong taon.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

Speak Your Mind

*