Whistleblower Act aprubado sa Kamara

APRUBADO na sa ikalawang pagdinig sa Kamara ang ang House Bill 5715 o ang batas na nagbibigay proteksyon, seguridad at mga benepisyo sa mga whistleblower na nagbubunyag ng mga katiwalian sa pamahalaan.

Ang House Bill 5715, na kilala bilang ang “Whistleblower Protection, Security and Benefit Act ng 2011,” ay ginawa upang pangalagaan ang pambansang interes sa pamamagitan ng pag-uusig sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at upang maisulong ang good governance.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy CasiƱo, ang may akda na panukalang batas, ito ay naglalayong mahikayat ang mga empleyado ng panamahalaan na lumantad at ihayag ang mga maanomalyang transaksyon at mga tiwaling opisyal.

Dagdag pa ni Aurora Rep. Sonny Angara, isa ring may akda ng naturang batas, ang pamahalaan ay nangangailangan ng isang bagong mekanismo upang alisin ang mga eskandalong kumukulapol sa ating gobyerno at upang maibalik ang kredibilidad, tiwala, at integridad sa serbisyo publiko.

Speak Your Mind

*