1 week Pork Holiday, hindi dapat balewalain ng Malacañang

HINDI umano dapat balewalain ni Pangulong Noynoy Aquino ang bantang isang linggong Pork holiday ng mga hog raisers, sa bansa.

 

Ayon kay Agham Partylist Rep. Angelo Palmones, bagama’t isang linggo lamang ang Pork holiday ay malalim umano ang ugat ng banta ng mga magbababoy kaya dapat itong seryosohin ng pamahalaan.

 

Sa ngayon ay dapat aniyang pag-aralan ng gobyerno ang patuloy na inirereklamo ng mga hog raisers na ang industriya ng karne ay unti-unti ng pinapatay ng sobrang importasyon at smuggling.

 

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

 

 

Speak Your Mind

*