Angola nag-alok ng maraming trabaho sa mga kapampangan

MAG-aalok ng 400 trabaho ang Republika ng Angola sa mga kapampangan professionals at skilled workers sa isasagawang job fair bukas sa kapitolyo.

 

Ayon kay Provincial Public Employment Services Office (PESO) chief Luningning Vergara, ang Philafrica Technical Resources Inc. ay magsasagawa ng screening mula 8:00am to 5:00pm.

 

Kabilang sa mga trabahong  iaalok ng nasabing bansa ang accountants, linemen, cooks, welders, computer data encoders, drivers and mechanics of heavy equipment at marami pang iba.

 

Sinabi pa ni Vergara na ang sahod ng mga naturang trabaho ay mula $800 hanggang $2,200.

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

Speak Your Mind

*