Bigyan ng maayos na relokasyon ang mga informal settlers

LUMANG tanawin na sa lungsod ng Maynila ang patuloy na pagdagsa ng mga squatters o informal settlers kung saan inilalantad nito ang kahirapan at kapabayaan ng gobyerno.

 

Bunsod dito ay nagpahayag ng daing ang isang pinuno ng Katoliko na si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa walang katugunan ng gobyerno sa naturang lumalalang problema .

 

Ayon kay Pabillo na kung pagbabasehan ang mga nilagak na pangako ng Pangulong Aquino noong siya ay nangangampanya pa ay kabilang ito sa gusto nitong matuldukan ngunit magdadalawang taon na umano ito sa pwesto ay wala pa rin itong aksyon.

 

“Nagkaroon nga sila ng covenant si PNoy at ang urban poor na kapag siya ay napaluklok ay papansinin niya ang kalagayan ng urban poor. Pero sa ngayon ay walang programa para bigyan ng talagang disenteng hanapbuhay at disenteng paninirahan ang urban poor,” ani Pabillo na  chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ National Secretariat for Social Action, Justice and Peace (CBCP-NASSA).

 

Aniya kung may mga demolisyon man na nangyayari ay hindi umano maayos ang relokasyon na binibigay ng gobyerno. Dahilan ito ng patuloy na pagbalik ng mga squatters sa lungsod. Halimbawa na lamang ang relokasyon na inilaan sa lalawigan ng Rizal , Cavite at Laguna kung saan hindi naman nagbigay ng ikakabuhay ang gobyerno kaya balik lungsod Maynila ang mga ito.

 

Ayon sa ulat ng International Human Rights Organization Center on Housing Rights and Eviction na isa ang Pilipinas  sa lumalabag sa housing rights ng mga mahihirap.

 

Kabilang sa mga informal settlers ay nasa 1.4 milyong pamilya habang nasa 70,450 naman ang biktima ng mararahas na demolisyon at kawalan ng relokasyon

 

Kung may maayos sanang programa ang Pangulo ukol dito ay tiyak na maraming mahihirap ang mabibigyan ng pagkakataong mabuhay ng marangal at maibsan ang kahirapan ng bansa.

 

 

Speak Your Mind

*