Davao V-mayor tutol sa pag-disarma sa mga pulis na papasok sa mga mall

TUTOL si Davao City Vice Mayor Rody Duterte na dis-armahan ang mga pulis na nakauniporme, kung sila ay papasok sa mga mall o mga establisemento

Sa local program nito na Gikan sa Masa, Para sa Masa, sinabi ng bise alkalde na hindi na kailangang dis-armahan ang isang pulis na nakauniporme lalo na kung taga-Davao.

Matataas lang anya na armas ang dapat ipagbawal sa mga business establishments.

Ayon sa nakakatandang mayor, respeto lang sa batas ang kailangan para hindi magkagulo dito sa syudad.

Speak Your Mind

*