Ginto at mga mineral sa bansa, pinasisigla

PINASIGLA pa lalo ang bentahan ng ginto at iba pang mineral sa bansa.

Base sa Revenue Regulations 6-2012 na inilabas noong Abril 2 ng Bureau of Internal Revenue (BIR), pinababa ang pangongolekta ng  excise tax at creditable witholding tax  sa lahat ng mabibili ng ginto at iba pang mineral mula sa mga maliliit na scale miners.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, layunin nitong himukin ang mas maraming mamimili ng ginto makaraang pababain ang witholding tax mula sa 10% ay magiging 5% na lang.

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*