Indonesia, muli na namang dinalaw ng lindol

MULING niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Indonesia.

 

Batay sa US Geological Survey, tumama ang lindol sa isla ng Sulawesi, Indonesia pasado alas-10:00 kaninang umaga.

 

Naitala ang epicenter nito 289 kilometro timog-silangan ng Palu, kabisera ng Sulawesi Island.

 

Samantala, wala namang naiulat na casualties at hindi rin nagdulot ng major damage ang naturang lindol.

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

Speak Your Mind

*