North Korea kinampihan ng China sa palpak na rocket launch

NAKAHANAP pa rin ng kakampi ang North Korea (Nokor) matapos ang pagbatikos at pagkondena ng International Community kasunod ng palpak na rocket launch.

 

Kaugnay nito, tiniyak ng China na mananatili ang tiwala nito sa bagong lider ng Pyongyang at gayundin ang pagpapanatili sa malapit na relasyon ng dalawang bansa.

 

Napag-alaman na ang China ang pinakamalaking kaalyado ng Nokor.

 

Kung kaya, kasalukuyang isinusulong ng Amerika at South Korea na imbestigahan ang China dahil sa pinaniniwalan na ito ang nagsu-supply ng teknolohiya sa missile program ng Nokor.

 

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

 

Speak Your Mind

*