OFW sa UAE, nakalaya na matapos ang 12 taong pagkapiit

MATAPOS ang 12 taon pagkakapiit, nakamit na rin ng isang Overseas Fi­li­pino Worker (OFW) na nasa death row ang minimithing kalayaan.

 

                Ito’y matapos na maibigay ang 35-milyong pisong blood money sa pamilya ng kanyang napatay kapalit ng Ta­nazul o pagpapatawad upang masagip siya sa bitay.

 

                Mismong si Rodelio “Dondon” Lanuza, isang architectural draftsman sa Saudi, ang nag-anunsyo na nakuha na niya ang kalayaan matapos na maibigay ang 35-milyong blood money na nalikom ng mga tagasuporta.

 

                Kinumpirma naman ni Migrante Middle East Regional Coordinator John Leonard Monterona na ang Reconciliation Commitee Team ng bansa ang kumumbinsi sa pamilya ng biktima.

 

                Bunsod nito, inaayos na ng pamahalaan ang ganap na paglaya ni La­nuza at pagbabalik sa bansa.

 

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

Speak Your Mind

*