Passenger airplane bumagsak sa Siberia, 16 ang patay

BUMAGSAK ang pampasaherong eroplano sa Tyumen City, Western Siberia kung saan labing-anim ang nasawi.

 

Sinabi ng tagapagsalita ng Emergency Situations Ministry Irina Andrianova, 16 na bangkay ang narekober habang 12 ang nailigtas sa crash site kung saan lima rito ang nasa kritikal  na kondisyon.

 

Nabatid na lulan ng 39 pasahero at 4 na crew ang ATR 72 twin-engine turbo-prop plane.

 

Ang naturang eroplano ay kalilipad lamang mula Tyumen patungong bayan ng Surgut nang ito ay mag-crash.

 

                                                        From DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

Speak Your Mind

*