Populasyon ng Pilipinas pumalo sa 92M

PUMALO na sa mahigit 92 milyon ang populasyon sa ating bansa.

 

Ang naturang bilang ay inilabas ng National Statistics Office (NSO) matapos ang kanilang huling bilang bago ang eleksyon noong 2010.

 

Lumabas sa talaan ng NSO na umabot sa 92,337,852 ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas.

 

Nabatid na mas mataas ito ng 15.83 million kumpara sa record noong taong 2000 na may bilang lamang na 76.51 million.

 

Gayunman mas mababa pa rin umano ito kung ikukumpara sa projected population na 94.01 million ng NSO at ng iba pang tanggapan ng pamahalaan.

 

Lumalabas na lumaki ng 1.9 percent annually ang populasyon ng Pilipinas mula taong 2000 hanggang 2010.

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

Speak Your Mind

*