Stand off ng Pilipinas at China sa Scharborough Shoal, kailangan maresolba—UN

NANAWAGAN ang ilang mambabatas sa United Nations na makialam at resolbahin na ang panghihimasok ng ilang Chinese vessel sa teritoryo ng bansa sa Scarborough Shoal.

 

                Binigyang diin nina Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na dapat nang maresolba ang stand-off sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa pag-aangkin sa Scharborough Shoal.

 

                Ayon sa mga kongresista, nilalabag na ng gobyerno ng China ang UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na isang International Law na dapat na nirerespeto ng mga miyembro nito.

 

                Suportado rin nina Biazon at Evardone ang paghahain ng diplomatic protest ng gobyerno bunsod sa panghihimasok ng ilang Chineses vessel sa teritoryo ng bansa.

 

                Ito ay dahil sa ganitong paraan lamang anila gagana nang husto ang diplomatic channels upang hanapan ng solusyon ang stand off.

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

Speak Your Mind

*