Talento at kakayahan sa pagnenegosyo

GUSTO mong gumaan ang iyong buhay? Bakit hindi pagyamanin ang iyong mga potensiyal para pagkakitaan?

 

      Basahin at pag-aralan kung paano makatutulong sa iyo ang mga sumusunod:  

 

Pagbibigay-serbisyong mga negosyo

 

Kung nakikita mo sa iyong sarili na may talento ka at kakayahan tulad ng photography, event planning, singing, hosting, painting, paggawa ng website at iba pa na alam mong magagamit para makatulong sa kabuhayan, bakit hindi mo pagyamanin ang mga ito?

 

Paggawa ng accessories 

 

Kung ikaw ay mahilig magbutinting ng mga bagay-bagay, gumawa ng mga accessory tulad ng bracelets, necklace, earrings at iba pang mga bagay na nakikita mong madalas na ginagamit ng mga tinedyer ngayon o kahit ng mga medyo may edad na.

 

Marami ang mga tumatangkilik sa ganitong klase ng mga produkto kaya hindi ito nawawala sa kahit saanmang lugar na pinupuntahan ng tao, tulad ng Divisoria, mall, maging sa mga bazaar sa iba’t ibang lugar.

 

Magluto ng cakes at cupcakes

 

Kung mahilig kang magluto ng cakes, cupcakes, cookies at iba pang mga pagkain sa kusina, maaari mong ibenta ang iyong mga niluto sa iyong mga kaklase, kaibigan, kaopisina, kapitbahay at maging sa mga tindahan.

 

Ang mga pangunahing kagamitan na kailangan ay oven, baking pan, spatula, harina, baking powder, sugar, butter at ang ingredients ay depende sa kung ano ang gusto mong lutuin.

 

Magbenta sa online

 

Puwede mong ibenta ang iyong mga produkto sa pamamagitan ng online, tulad sa sulit.com AyosDito at marami pang iba. Nasa Internet age na tayo ngayon kaya dapat lang na samantalahin natin ang pagkakataong ito para kumita.

 

Magsimula sa mga bagay na nakahiligang gawin at sa pamamagitan nito, hayaang umunlad ang iyong buhay.#  

 

Speak Your Mind

*