Mga Mambabatas na humihiling ng pagpapaliban ng 2013 Barangay Election, dumarami

ISINUSULONG ng ilang mga mambabatas ang pagpapaliban sa iba’t ibang petsa  ang nalalapit na 2013 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ang pinakabagong nagfile ng pagpapaliban sa botohan ay Rep. Jerry Treñas (Lone District, Iloilo City) na nagfile ng HB 6005 o i-reset ang mga halalan sa huling Lunes ng Oktubre 2015, na kung saan ay limang taon matapos ang huling botohang Barangay.

Matatandaang nagfile din ng House Bill 5987 si Rep. Augusto Syjuco (2nd District, Iloilo) na humihiling na i-reset ang Barangay at SK elections mula Oktubre 29, 2013 sa Oktubre 27, 2014. Ang bill ni Syjuco ay nagmumungkahi na ang mga termino ng lahat ng mga Barangay at SK officials  ay dapat na limang taon sa halip na kasalukuyang tatlong taon.

Una na ring nagfile ng House Bill 5794 si Rep. Ben Evardone (Lone District, Eastern Samar) na  naglalayong i-reset ang Barangay at SK polls sa Mayo 2014 o bawat apat na taon.

Gayundin, si Rep. Rachel Marguerite Del Mar (1st District, Cebu) na nagfile ng House Bill 5750, na i-reset ang Barangay at SK polls sa huling Lunes ng Oktubre .

Isang hiwalay na panukalang-batas, House Bill 5962, na ifinayl nila Reps. Guillermo Romarate, Jr (2nd Dist., Surigao del Norte), Francisco Matugas (1st District, Surigao del Norte), Philip Pichay (1st District, Surigao del Sur), Florencio Garay (2nd District, Surigao del Sur), ang Evelyn Mellana (2nd District, Agusan del Sur), Ma. Valentina Plaza (1st District, Agusan del Sur), Ma. Angelica Amante-Matba (2nd District, Agusan del Norte) at Jose S. Aquino II (1st District, Agusan del Norte), para naman sa pag-reset ng Oktubre 2013 na botohan sa ikalawang Lunes ng Mayo 2015.

Sina Reps. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez Jr (Partylist, Abante-Mindanao) ay nagmungjkahi din na i-reset ang halalan sa huling Lunes ng Oktubre 2015.

Ayon kay Rodriguez, ang tatlong taong termino ng mga opisyal ng barangay ay masyado umanong maikli at hindi sapat upang matiyak na ang mga programa ay naipatupad ng maayos. Kadalasan din umanong nagagamit ang huling taon ng kanilang termino sa kanilang pangangampanya sa halip na tutukan ang kanilang mga proyekto.

Ang dalawang taon na extension ay para masiguro ang katatagan ng barangay at para maipagpatuloy na maayos ang mga proyektong pinasimulan ng kasalukuyang mga lider.

Comments

  1. MGA TRAPO ANG LAHAT NG MGA CONGRESSMEN NA NABANGGIT, GUSTO LANG NILA MAKUHA SUPORTA NG MGA NAKAUPONG BARANGAY OFFICIALS PARA TUMANAW SILA NG UTANG NA LOOB AT SUPORTAHAN SILA SA MGA ELECTION NA DARATING. KULANG ANG 3 YEARS? KUNG GANUN GAWIN NA NIYONG 6 YEARS ANG TERM NG CONGRESSMAN TIYAK PAPAYAG KAYO. MAAWA NA KAYO SA MGA BARANGAY NA PURO TIWALI ANG NAKAUPO. SANA HINDI MAHAWA ANG PANGULO SA PAGIGING SAKIM NG MGA CONGRESSMEN NA ITO.

  2. MGA TRAPO ANG LAHAT NG MGA CONGRESSMEN NA NABANGGIT, GUSTO LANG NILA MAKUHA SUPORTA NG MGA NAKAUPONG BARANGAY OFFICIALS PARA TUMANAW SILA NG UTANG NA LOOB AT SUPORTAHAN SILA SA MGA ELECTION NA DARATING. KULANG ANG 3 YEARS? KUNG GANUN GAWIN NA NIYONG 6 YEARS ANG TERM NG CONGRESSMAN TIYAK PAPAYAG KAYO. MAAWA NA KAYO SA MGA BARANGAY NA PURO TIWALA ANG NAKAUPO. SANA HINDI MAHAWA ANG PANGULO SA PAGIGING SAKIM NG MGA CONGRESSMEN NA ITO.

  3. hindi dapat na ipagpaliban sapagkat maraming mga tao ang hindi sang ayon dito. Paano pag hindi gusto ng mga tao ang mga barangay officials? kailangan pa bang maghintay ng dalawang taon? at kung programa ang pag-uusapan, pwidi naman ipagpatuloy ng bagong opisyal nag proyekto… At lalong hindi pwiding isabay ang national election sa barangay election dahil lalong mababahiran ng politika ang ang gobyerno… gagamitin ng mga nakakataas na opisyal ang mga barangay opisyalis…

  4. kung ang ikinakatwiran ng mga mambabatas na napakaigsi ang termino ng tatlong taon para sa barangay para ipagpatuloy ang nasimulan na proyekto,ang tanong di ba pwedeng ipagpatuloy ng susunod na opisyal ang proyekto.paano kung ayaw na namin sa kasalukuyang barangay opesyal dahil nga corrupt…tingnan nyo na lang ang ginawa ni gloria arroyo masyadong matagal sa pwesto pero ano ang nangyari puro corruption.kung sa bagay lahat naman ng mga nakapwesto ay SAKIM sa kapangyarihan at para maproteksiyunan ang sariling interes hindi ang BAYAN.wag nyo ng baguhin kung ano ang nakasaad sa batas.para tuloy(kayong mambabatas ay walang sariling bait).magisip isip naman kayo…

Speak Your Mind

*