PNR balik operasyon na matapos madiskarel ang isang tren

 

BALIK-operasyon na ang Philippine National Railways (PNR), matapos madiskaril ang isang tren sa Cupang, Muntinlupa kahapon.

 

Ayon kay PNR spokesman Paul de Quiros, bahagyang lumapad ang riles hanggang ito ay lumagpas na sa sukat ng gulong ng tren bunsod ng matinding init na panahon.

 

Sinabi pa ni de Quiros na posibleng sa kalumaan na rin ng riles ang isa sa naging dahilan ng pagkadiskaril ng nasabing tren.

 

Gayunman, hinatak agad ang tren para ayusin at wala namang nasugatan sa naturang insidente.

 

Mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio News Center

 

 

Speak Your Mind

*