SONA ng Pangulo, magiging makatotohanan sa tunay na kalagayan ng bansa

MAGIGING makatotohanan ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino sa tunay na kalagayan ng bansa.

 

Ito ang tiniyak ni Presidential spokesman Edwin Lacierda bagama’t  tumanggi itong magbigay ng detalye kung ano ang nilalaman at kung ilang pahina ang ulat sa bayan ng Pangulo.

 

Ayon pa kay Lacierda, ipagmamalaki ni PNoy ang mga nagawa ng kanyang administrasyon at ilalahad naman niya ang mga plano pa ng gobyerno sa hinaharap.

 

Gagamit din aniya ng mga visual aid sa kaniyang SONA ang Pangulo pero walang mga “bangkang papel boys” tulad ng ginawa noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

 

Hindi rin daw nag-practice ang Pangulo ng kanyang ikatlong SONA sa harap ng kanyang gabinete pero siniguro nitong handang-handa na si PNoy sa kanyang ulat sa bayan.

 

 

 

 

Speak Your Mind

*