SONSPEAK PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
DAILY EDITION

‘Other Provincial News’

Byahe sa Cagayan, kanselado


STRANDED ngayon ang ilang sasakyang pandagat sa lalawigan ng Cagayan matapos magkansela ng byahe ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa masamg lagay ng panahon. Ayon kay Senior Chief Petty Officer Ernesto Renon ng Coast Guard-Aparri, ipinagbawal nila ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat dahil sa mga dambuhalang alon sa karagatan. Mula sa DZAR 1026 [...]

Presyo ng bulaklak sa Baguio, inaasahang tataas


DAHIL sa pagdiriwang sa Velentines Day, inaasahang tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa Baguio City ngayong araw hanggang matapos ang Panagbenga Festival. Ayon kay Engr. Victor Calimlim, mula sa vegetable section ng Baguio City Public Market, patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga bulaklak simula pa kahapon, bunsod ng nagdadagsaang turista, kung saan [...]

Residente ng Albay isa-isang nang inilikas


ISA-ISA nang inilikas ng lokal na pamahalaan ng Albay ang mga residente nito matapos mapaulat na umapaw na ang ilang ilog sa Brgy. Sugcad sa Bayan ng Polangui, Brgy. Maipon sa Guinobatan at walo pang barangay mula sa Bayan ng Malinao. Samantala, hindi na rin madaanan ang ilang National Road patungong Camarines Sur dahil sa tubig baha. Abala [...]

Flights sa Naga City, kinansela


KINANSELA na ang ilang flights sa Naga City dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa lungsod. Alas-7:00 kaninang umaga nang kanselahin ng Cebu Pacific ang kanilang Naga-Manila-Naga flights. Maliban dito, kinansela na rin ng Air Philippines ang Naga-Manila flight na nakatakda sanang umalis pasado alas-10:00 kaninang umaga. Sa kabila nito, maayos namang [...]

Mayor Guiani, kakasuhan ang witness sa Sema ambush


Pinaghahandaan na ngayon ng kampo ni Cotabato City Mayor Japal “JoJo” Guiani, ang kasong isasampa laban sa testigong nagdawit sa kanya sa tangkang pagpatay kay Vice Mayor Muslimin Sema. Una nang itinanggi ng alkalde ang nasabing paratang kung saan iginiit  nitong gawa-gawa lamang ang mga ito ng kanyang mga kalaban upang sirain ang kanyang panagalan. [...]

Aftershocks sa Central Vis., umabot na sa 1,352


Pumalo na sa 1,352 ang naitalang bilang ng mga aftershocks sa Central Visayas kasunod ng magnitude 6.9 na lindol. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang huling aftershock kaninang alas-7:34 ng umaga sa Negros Oriental. Naitala rin ang limang pagyanig sa Tayasan, Negros Oriental kabilang na ang pinakahuling magnitude 3.1 aftershock alas-3:22 [...]

Rescue operations sa Negros Occidental, naantala dahil sa ulan


PATULOY na naaantala ang isinasagawang rescue operations ngayon sa Guihulngan, Negros Occidental dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon kay Guihulngan City Mayor Ernesto Reyes, naantala ang pagtulak ng mga rescuers sa lugar na nangangailangan ng tulong dahil sa mapanganib na sitwasyon. Pinangangambahan na magkaroon ng landslide kung bumigay ang lupa na lumambot na dahil [...]

500 sako ng bigas, nawawala sa Naga


NAWAWALA ang umabot sa 500 sako ng NFA rice na lungsod ng Naga. Nadiskubre ng mga otoridad na wala nang laman ang kinalululanan nitong Isuzu cargo truck na inabandona na lamang sa Maharlika highway, Barangay Concepcion ng nasabing lungsod. Dahil diot, pinaghahanap na ngayon ang driver nitong si  Jose Lasat ng Basud, Camarines Norte, kasama [...]

Biyaheng Maynila to Albay, ibabalik ng PNR


MATAPOS ang tatlong dekada, balik-byahe na muli ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na mula Maynila patungong Albay at vice-versa. Ito’y matapos magtagumpay ang isinagawang test run ng PNR kung saan mismong si Albay Governor Joey Salceda ang kasamang sumakay. Posibleng sa unang buwan ng taong 2012 tuluyang magsimula ang pnr ng kanilang regular [...]

Gold trader, kinasuhan ng BIR


ISA na namang negosyante ang sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ), dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis. Kinilala ang respondent na si Junry Daytola Tenorio, isang trader ng ginto mula sa Guadalupe, Cebu City. Ayon sa BIR, nakapagbenta si Tenorio ng P3.95 bilyong halaga [...]

Advertisement GoPayment



Share This Page


PINAS The Filipino's Global Newspaper is owned, managed and operated by Sonshine Media Network International.
Developed by KJC Multimedia Department IT Section based in Manila.