SONSPEAK PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY,
DAILY EDITION

‘Provincial’

1,500 US Navy Seals, darating sa Palawan


NAKATAKDA umanong dumating sa Puerto Princesa, Palawan ang may 1,500 US Navy Seals upang makilahok sa cooperation afloat readiness and training exercise sa susunod na buwan.   Ito ang inihayag ni Commodore Eduardo Tamayo ng Philippine Naval Forces West, kung saan layunin umano nito na pag-ibayuhin ang kooperasyon, pagkakaibigan at kakayahan ng 2 bansa.   [...]

10 fish cage itatayo ng DA sa Panabo City Mariculture Park

NI: JASON A. FABULAR

KARAGDAGANG sampung fish cage ang ipinangakong itatayo  ng Department of Agriculture sa Panabo Mariculture Park para sa mahihirap na mga mangingisda rito. “Kasi ung dati, ang nakakapag-invest sa Mariculture ay ung medyo above average na mga pamilya. This time ung mga mahihirap na mangingisda tutulungan na po ng pamahalaan,” ani Agriculture Secretary Proceso Alcala sa [...]

11 nasawi sa landslide sa Visayas at Mindanao


Pumalo na sa labing-isa ang nasawi matapos ang landslide sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa mga nasawi ang pitong miyembro ng pamilya sa Leyte, isang nalunod, isang nakuryente, at dalawa pa habang apat pang bata ang nawawala. Nakilala ang pinakahuli sa mga [...]

11 NPA sa Abra, sumuko sa militar

NI: CRISSA PAPA

TUGUEGARAO CITY—Umabot sa 11 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa 503rd Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan ng Abra mula noong ipatupad ang Internal Peace and Security Plan (IPSP) Bayanihan noong buwan ng Enero. Napag-alaman na 10 sa mga ito ay boluntaryong sumuko habang ang isang babae ay nahuli sa pinagsanib na puwersa ng intelligence community na pinaniniwalaang may mataas na posisyon sa kilusan. Kasabay sa kanilang pagsuko, dala rin ng mga ito ang mga matataas na kalibre ng baril. Kaugnay nito, patuloy ang implementasyon ng 503rd Brigade sa mga proyektong panglipunan na nasa ilalim ng IPSP lalo na sa mga liblib na lugar partikular sa mga lugar na may presensiya ng mga miyembro ng NPA. Ayon umano sa mga sumukong rebelde, malaking tulong ang nasabing programa ng gobyerno kung kayat nakakapag-isip ang mga kasapi ng maka-kaliwang pangkat na magbalik loob sa pamahalaan. Nakatanggap naman ng cash assistance at iba pang tulong ang mga sumukong NPA.

11-buwang bata patay sa kumukulong tubig


ISANG 11-buwang gulang na bata ang namatay matapos maligo sa kumukulong tubig sa General Santos City. Kinilala ang biktima na si Chelmar Paglinawan ng Barangay Conel ng nasabing lunsod. Ayon sa ama ng bata na si Loloy, inilagay ng ina sa walker o andador ang bata at nagpunta sa tindahan. Pagbalik sa bahay, laking gulat [...]

12 bihag sa Agusan del Sur, pinalaya na


PINALAYA na ang 12 bihag sa Agusan del Sur . Ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo , alas sais ng umaga ng pakawalan ng mga kidnapper ang lahat ng bihag. Sa ngayon umano ay maayos na ang kalagayan ng mga bihag at sumailalim sa debriefing. Magugunitang hinimok ng Local Crisis Committee ang taumbayan na manalangin [...]

12 katao, patay sa Dengue sa Davao City


12 katao, patay sa Dengue sa Davao City UMABOT na sa labindalawang katao ang nasawi dahil sa sakit na Dengue sa Davao City. Maliban dito, ini-ulat din ng Davao City Health Office, na pumalo na sa 323 katao ang tinamaan ng nasabing sakit sa  first quarter nitong taon  o  mas mataas ng 147 kung ihahambing [...]

12 kilo ng Marijuana nasabat sa Bacolod


NAREKOBER ng mga otoridad ang umabot sa 12 kilo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng 300,000 piso, sa Ceres Bus Terminal sa lungsod ng Bacolod. Ayon sa mga pulis, nakalagay umano sa isang box ang marijuana na nanggaling sa isang alyas “Butch” na ipapadala sana sa isang alyas “Gamay”. Inabandona umano ang naturang box matapos [...]

12 sasakyan nagkarambola sa Marcos Highway


NAGKARAMBOLA ang labindalawang (12) sasakyan sa kahabaan ng Marcos Highway, Antipolo City. Kinabibilangan ang mga ito ng truck, Mitsubishi Estrada, pamapasaherong jeep at iba pang sasakyan. Sinabi ni Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Council Head Joey Marco na naganap ang naturang karambola bandang 11:40 kaninang umaga. Samantala, patuloy naman ang isinasagawang rescue operation [...]

12,000 nakinabang sa Food for Work Program


DAVAO CITY- Umabot sa mahigit labindalawang libong Indibidwal ang nakinabang sa Localized Version ng syudad ng Dabaw sa Food For Work Program na tinawag na ‘’Bayanihan Ni Inday Sa Barangay”. Ayon kay Danilo Dayanghirang, Consultant on Special Concerns, isa sa kanilang tinututukan ay ang operasyon ng programa na sa pamamagitan nito maraming pamilya ang matutulungan, [...]

Advertisement GoPayment



Share This Page


PINAS The Filipino's Global Newspaper is owned, managed and operated by Sonshine Media Network International.
Developed by KJC Multimedia Department IT Section based in Manila.