Makaagapay ang Pilipinas sa mauunlad na mga bansa sa Asia kung magkakaroon ito ng magandang Research and Development (R&D) sa larangan ng medisina, agrikultura at iba pang sektor na nangangailangan ng R&D.
Ayon kay Dr. Gil S. Jacinto, propesor ng University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI), naniniwala siyang maraming may mga talento mula sa colleges and universities sa bansa at mga bagong graduate na kailangan lamang na bigyan ng suporta.
Ani Jacinto, kung ikukumpara ang Pilipinas sa mga karatig-bansa sa Asya pagdating sa pagbibigay ng pamahalaan sa pinansiyal na suporta ay mas malaki ang inilalaang pondo ng mga ito para sa kanilang R&D.
“The R&D budgets in countries around us are significantly higher than ours. In the case of Thailand, the R&D budget is about 1.2% of Gross Domestic Product (GDP) and they want to push it to 2%, our present contribution is only .12% of our GDP,” sabi ni Jacinto.
Isa pa sa nakikitang problema ni Jacinto sa hindi pag-usad ng R&D sa bansa na sinang-ayunan din ni Dr. Jaime C. Montoya, academician ng National Academy of Science and Technology (NAST) at presidente ng National Research Council of the Philippines-Department of Science and Technology (NRCP-DOST) ay ang kakulangang maipaalam sa publiko ang mga bagong research lalo na ng mga bagong graduate ng Doctor of Philosophy (PhD).
“Even in universities, when people pursue their masters or PhD, most of the researches done by PhD students when they graduate, never get been publish and that’s unfortunately a waste of resources then the work doesn’t get appreciated by others,” sabi ni Jacinto.
Samantala, sa kabila ng mga hamon sa pagpapaunlad ng R&D sa bansa, naniniwala pa rin si Jacinto na muling mauungusan ng Pilipinas ang mga karatig-bansa sa Asya gaya ng Vietnam, Thailand at Malaysia na dati ay ang bansa ang nangunguna sa larangan ng R&D. «end»