Lahat siguro tayo ay nangangarap magkaroon ng isang maganda at masayang buhay. Sino nga naman ang ayaw magkaroon nito? Ngunit kahit na ano pang antas ng buhay, mayaman man o mahirap, anumang rasa mayroon ka, iba’t iba mang relihiyon, saan ka man naroon at kahit na hindi mo man gustuhin, hindi talaga nawawala ang mga problema at mga kapagsubukan sa buhay.
‘Ika nga: C’est la vie! (That’s life!) Kahit ano’ng iwas mo ay nariyan talaga iyan. Ngunit ang magagawa lamang natin ay kung paano magiging matatag sa bawat pagsubok na dumarating sa atin at kung paano haharap sa bawat situwasyon.
Ang buhay ay maihahalintulad daw sa gulong. Minsan ay nasa itaas, minsan naman ay nasa ibaba. Maaari ngang habambuhay ay nariyan ang mga problema pero puwede naman nating gawing simple ang ating buhay.
Paano?
Para sa iyo ang tips
na ito.
1. Maging independent.
Mas maganda kasi kung marunong kang tumayo sa sarili mong mga paa at hindi palaging umaasa sa iba. Ngunit hindi naman nangangahulugang hindi ka na lalapit o makikisalamuha sa kapwa. “No man is an island” ayon sa kasabihan.
2. Magkaroon ng talaan ng mga pang-araw-araw na mga gawain. Mas mainam kung nakaplano na ang mga ito at susundin na lang kaysa sa palagi na lang nag-iisip kung ano nga bang dapat gawin. Nakatatagal kasi kung iisipin pa ‘yung nakalimutang mga gawain. Makatutulong pa ito upang maging responsable ka at magkaroon ng pagpapahalaga sa bawat oras.
3. Learn to live with less.
Halimbawa, kahit maliit ngunit kumportableng tahanan. Mas pagtuunan ang mga bagay na kailangan kaysa sa gusto lamang.
4. Gumamit ng mga kasuotang “versatile.” Pumili ng ilang basic at mga common na style. Matutong mag-mix and match. Halimbawa nito ay ang paggamit ng iba’t ibang pang-itaas na ititerno sa itim o asul na pantalon.
5. Maging matalino sa paghawak ng pera.
6. Mag-ipon para sa oras ng kagipitan. Kung may isinuksok ay may madudukot, ‘di ba?
7. Pangalagaan ang kalusugan. Panatilihin ang healthy diet at mag-ehersisyo araw-araw. I-monitor ang iyong blood pressure at heart rate. Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at mga delikadong mga aktibidad.
8. Maghanda ng pagkaing madali lamang gawin. Mas maliit na panahon sa paghahanda o pagluluto ay mas maigi upang magamit ang sobrang oras sa iba pang kapaki-pakinabang na gawain. Puwede ring sa pakikipag-bonding sa pamilya o mga kaibigan, maaari ring magamit upang makapagpahinga nang mas mahabang oras.
9. Be yourself. Huwag pilitin ang sariling “maging” ayon sa gusto ng iba. Nakai-istres gawin ang bagay na hindi mo naman gusto.
10. Magbigay at tumanggap. May ibang tanggap nang tanggap ngunit ‘di gustong magbigay. Mayroon namang bigay nang bigay at nakalilimutan na ang sarili. Maganda kung balanse. Give and take, ‘ika nga.
11. Gamitin ang iyong instincts. Huwag basta-bastang naniniwala o magpapadala. Kailangang maging matalino ka at sundin ang iyong kutob. Madalas na tama ito.
12. Limitahan ang iyong mga pag-aalala. Mas kaunting pag-aalala sa problema, mas maraming oras upang magsaya!
13. Mangarap. Walang masamang mangarap. Nakatutulong pa nga ito upang magkaroon ng goal sa buhay at maging matatag. Patuloy na mangarap at tuparin ang pangarap na ito. «end»