Maliban sa pampalasa at pang-alis ng lansa sa niluluto, marami pang ibang gamit ang luya, ayon sa mga eksperto.
Marami ang hindi nakaaalam na ginagamit din ang luya bilang panlunas sa iba’t ibang karamdaman gaya ng mga sumusunod:
1. Mainam itong gamot sa malat o pamamaos. Ilaga lang ito at inumin bilang tsaa o salabat.
2. Mainam din ang salabat na panlunas sa kabag o lamig sa tiyan.
3. Ang dinikdik na luya na hinalo sa langis ng niyog o olive oil ay maaaring gawing pamahid para mabawasan ang mga ugat sa paa at binti.
4. Magdikdik ng luya at ang katas nito ay ilagay sa isang kutsara, samahan ng katas ng isang buong kalamansi at saka inumin. Mainam ito para mawala ang nicotine na naiipon sa baga ng mga mahilig magsigarilyo. Gawin ito 2 beses sa loob ng isang buwan.
5. Para naman sa mga babaeng malapit nang magsilang, ipinapayo ang regular na pag-inom ng salabat para hindi mahirapan sa panganganak. Mas mainam kung iinumin ang salabat na parang tubig, dalawang linggo bago ang takdang pagluluwal ng sanggol para mawala ang tinatawag na “sumilim.” Ang “sumilim” ay ang discharge ng mga magsisilang na babae. «end»