ANG PANGYAYARI:
Si able seaman Teofilo F. Bathan, Jr. ay nakasakay sa M/V Medemborg na isang barkong pag-aari ng respondents. Habang siya ay nagtatrabaho sa nasabing barko, nahulugan siya ng vessel crane na naging sanhi ng pagkaputol ng isa niyang hita at pagkapinsala ng kanyang natamaang balakang at pelvic bones.
Ang paunang alok ng respondents ay bayaran si Mr. Bathan ng US$125,000.00 para sa kanyang disability benefits subalit imbes na ito ay agad na tanggapin ng nasabing marino at pumirma ng release and quitclaim documents, naisipan niyang ikonsulta ang kanyang problema sa Linsangan Linsangan Linsangan Law Offices upang lalo niyang maprotektahan ang kanyang mga karapatan ayon sa kanyang kontrata.
Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, sinubukan ni Mr. Bathan na makausap ang kumpanya para mabayaran siya ng benepisyong naaayon sa kanyang kundisyon. Hindi lamang siya nasaktan dahil sa kaso niya, naputol ang kanyang hita habang siya ay nagtatrabaho. Hindi na siya muli pang makababalik sa kanyang dating trabaho bilang isang marino dahil dito.
Ikalawa, nararapat lamang na mabayaran si Mr. Bathan ng permanent total disability benefits na may katumbas na maximum compensation. Bukod dito, nararapat lamang na managot ang kumpanya kay Mr. Bathan para sa negligence sa parte nito na humantong sa naging aksidente ni Mr. Bathan. Tunay na hindi sapat ang alukin lamang siya ng US$125,000.00 bilang kanyang benepisyo dahil habambuhay na siyang hindi makapagtatrabaho bilang isang marino.
ANG HATOL:
Matapos ang negosasyon ng mga abogado ng mga partido, pumayag din ang kumpanyang bayaran si Mr. Bathan ng US$240,000.00 na halos doble ng unang alok sa kanya. Hindi nagkamali si Mr. Bathan na pag-isipan muna ang kanyang kalagayan at mga karapatan bago tumanggap ng kabayaran at mapawalan agad ang kumpanya sa mga obligasyon nito sa kanya. «end»