Kumusta na kaya ang mga atletang Pinoy na bumubuo ng Philippine cycling team sa katatapos na 25th Southeast Asian (SEA) games na ginanap sa Laos noong isang buwan, nakabawi na kaya sila?
Alam ninyo friends, walang nagawa ang grupong Pinoy noong mga panahong ‘yon kundi humagulgol ng iyak sa sobrang sama ng loob makaraan umanong “ihulog” ng isang mataas na opisyal ng Tagaytay City. Anila, bukod tanging ang 12-man cycling team ng Pinas ang hindi pinayagang makasali sa torneo ng mga game official matapos ‘di bigyan ng “lisensiya” ang mga atleta para makasali sa cycling events.
Matatandaang ang torneo ay ginanap sa Vientiane, Laos kamakailan lang kung saan ay panglimang puwesto lamang ang nakuha ng bansa. Himutok na himutok ang team manager na si Arnold Taberdo noong makapanayam ng media.
Aniya, mahina sana ang anim na gold medal na maiuuwi ng bansa at baka umakyat pa ang Pinas sa third overall standing.
Na-shock umano sila at na-trauma sa kanilang masaklap na karanasan sa Laos kaya hindi sila gaanong makapagsalita sa media.
Batay sa napag-alaman ko friends, noong makapanayam ng media si Arnold Taberdo ay kasama niya sina 2007 SEA games gold medalist Alfie Catalan (individual time trial), 2007 SEA Games silver medalist Eusebio Quinones, head Coach Joselito Santos at Assistant Coach Arsenio Tado, sinabi at ibinulgar nila sa publiko ang kahiya-hiya nilang karanasan sa Laos dahil umano sa maniobra ng kapwa natin Pilipino.
Ang buhay nga naman, kapwa Pilipino, ‘di magkasundo.
Kaugnay nito, nanawagan ang mga atletang Pinoy kay Pangulong Arroyo at sa mga mambabatas na kung maaari ay busisiin ang mga nangyari sa Philippine cycling upang hindi na maulit ang kanilang masamang karanasan sa Laos.
God bless! «end»