Nakupo aking mga parekoy, si Tatang PONG este, si Senator RODOLFO “Pong” BIAZON, mukhang nakikiisa sa panawagan ni Mrs. MARLENE AGUILAR-POLLARD, ang butihing INA ni JASON AGUILAR-IVLER na American national na inaresto sa salang pagpatay sa ANAK ng opisyal ng Palasyo ng Malacañang sa isang simpleng vehicular accident dalawang buwan na ang nakararaan sa Lunsod ng Pasig.
Si IVLER na kilala sa tawag na JASON AGUILAR ng malalapit na mga kaibigan ay pamangkin ng sikat na composer at recording artist na si FREDDIE AGUILAR na nagpasikat sa awiting ANAK. Si IVLER ay isa palang ex-US marine soldier na minsan ay napalaban sa mga rebeldeng Iraqi sa Baghdad, Iraq na hanggang sa kasalukuyan ay malaking problema sa administration ni US President Barack Obama.
Hindi lang si BIAZON ang nanghimasok sa issue ni IVLER kundi maging ang Commission on Human Rights (CHR) at mga kinatawan ng US Embassy sa bansa dahil may paglabag umano ang raiding team mula sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI). Kung atin pong natatandaan, mayroon pang ibang kasong kinasasangkutan si IVLER sa mga awtoridad na nakabinbin sa korte.
Sa press statement ng outgoing senator na itinuturing na isa sa pinakamatandang senador na mukhang UMAAYON sa pinalalabas na praise, este, press release ni Mrs. AGUILAR-POLLARD na walang KATOTOHANANG si JASON IVLER ang bumaril at pumaslang kay RENATO VICTOR EBARLE, Jr., ang anak ni Undersecretary RENATO EBARLE, Sr. ng Presidential Management Staff (PMS) ng Palasyo ng Malacañang.
Diumano, may personal bodyguard na isang BRITON o British National si JASON IVLER na siyang itinuturong bumaril sa batang EBARLE dahil lang sa isang away-trapiko.
Eh, ang tanong ng makukulit na mga TSISMOSA at TSISMOSO at maging ng masusungit na mga KRITIKO ni Madame President ARROYO na bakit ngayon lamang pinalalabas ni Mrs. AGUILAR-POLLARD sa mga MAMBABASA ng iba’t ibang pahayagan, na tumagal nang mahigit sa dalawang buwang pinaghahanap ng mga awtoridad ang ‘step-son’ ni FRANK POLLARD ng Asian Development Bank (ADB) na una nang ipinalathala sa mga tabloid at broadsheet at napanood na rin sa TV at narinig na rin sa mga radio station. Matapos madakip ng makikisig na agents ng NBI ay agad nagsalita si Mrs. AGUILAR-POLLARD na may inupahang killer sa pagpatay sa batang EBARLE.
Sabi pa nga ni USEC. ATO EBARLE na kung ihahambing sa paligsahan ng FAMAS, itong si Mrs. AGUILAR-POLLARD ay kanyang itinuturing na Best Actress dahil nga sa mga ‘alibi’ o rasong BINABALIKTAD pa ang naunang mga police report na positibong si JASON AGUILAR IVLER ang nagpaputok ng kalibre .45 sa mga testimonya ng mga ‘living witness’ na nakuha ang plate number ng SUV na matapos isagawa ang pag-trace sa Land Transportation Office (LTO) na lumalabas na isang opisyal ng ADB ang nagmamay-ari ng private vehicle.
Mukhang nag-uumapaw sa KALIGAYAHAN, KASIYAHAN at KAGINHAWAHAN ang Pamilya EBARLE maging ang AMA na si Undersecretary RENATO EBARLE, SR. pati na rin ang palasyo dahil sa pagkakadakip kay IVLER. Ang kaso ni IVLER ay hindi sana matulad sa kaso ni US marine soldier DANIEL SMITH na matapos maakusahan at mahatulan ng kasong RAPE o PANGGAGAHASA na pansamantalng ikinulong sa loob ng compound ng US Embassy ay pinabalik na lamang sa Estados Unidos na parang BULA ang ipinataw na hatol dahil na rin sa pag-atras sa kasong isinampa ng isang Zamboangueña at ito ang pangamba ng pamilya EBARLE na sana nga ay di-matulad kay SMITH ang mangyayari kay IVLER at mas pabilisin pa ang paggiling ng hustisya.
Congratulations kay veteran newsman Crispulo “Jun” Icban matapos na formal nang itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong press secretary kapalit ng yumaong si Press Secretary Cerge Remonde. «end»If you have comments, suggestions or reactions you can email at loycaliwan@yahoo.com.