Personal na bumisita ang standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD na si Gilbert Teodoro kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City kasama sina Rep. Anton Lagdameo ng Davao del Norte, Charlie Gonzales, Bebot Marfori, isang presidential consultant at iba pang kawani ng Lakas-Kampi-CMD.
Sa isang eksklusibong panayam ng Sonshine Media, pinuri ni Gibo si Pastor Apollo sa mainit at magandang pagtanggap sa kanilang pagbisita, isang dahilan marahil kung bakit pinahahalagahan aniya ang pananaw at pagnanasa ni Pastor Apollo sa progreso ng bansa.
“I believe that zero corruption is not difficult to achieve,” sabi ni Teodoro.
Marami sa mga aspirante sa pulitika ang bumisita kay Pastor Apollo upang humingi ng payo at patnubay sa darating na halalan. Isa na rin sa mga ito si Jose “Joey” de Venecia III na tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) Party.
“I was physically, mentally and emotionally challenged because of my experience. Today, I came to visit the Pastor for his blessing, to help bring back normalcy in my life which I haven’t had in the last 24 months,” ani de Venecia III matapos ang anomalyang $329 milyon na NBN-ZTE deal na anak at kapangalan ng dating House Speaker Jose de Venecia na tinaguriang whistleblower.
Personal ding bumisita si Rep. Cynthia Villar ng distrito ng Lunsod ng Las Piñas, ang kongresistang may tatlong termino na sa tungkulin at patuloy na naglilingkod para sa kapakanan ng mga kababaihan, kabataan at ng mga pamilya sa nasasakupan nito.
Pinuri ni Cynthia Villar ang Sonshine Philippines Movement (SPM) na pinangungunahan ni Pastor Apollo kung saan aktibo ang nasabing organisasyon sa pagsasagawa ng mga livelihood program, reforestation at pagsasagawa ng mga paraan sa pagsugpo sa kahirapan. Ipinaabot ng kongresista na ang kanyang opisina ay handang makiisa sa SPM sa pagbibigay sa mga Pilipino ng pagkakataon tungo sa isang magandang pamumuhay.
Dumating din sa kaparehong araw si GM Mark Lapid ng Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority upang humingi rin ng payo kay Pastor Apollo hinggil sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa bansa. Kasama ni Lapid ang mga opisyal mula sa Philippine Tourism Authority (PTA) ng Mindanao.
Kabilang din sa mga humingi ng gabay ni Pastor sa magkakaibang mga araw sina Sec. Peter Favila ng Department of Trade (DTI), Sec. Marianito Roque ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ang kailan lang ay yumaong si Cerge Remonde.
Handang sumuporta si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang lider ng The Kingdom of Jesus Christ sa bisyonaryong mga lider na makaahon ang bansa mula sa kurapsiyon at kahirapan. «end»