Among the young stars sa bakuran ng Kapamilya network, sina Melissa Ricks at Erich Gonzales ang sinasabing may potential na sumikat. Kung pagbabasehan ang kaliwa’t kanang mga proyekto nila sa Dos, mukhang dito nga patutungo ang career ng dalawang dalaga.
Magkasama ngayon ang dalawa sa “Tanging Yaman” at mukhang nagkakasundo naman sila.
Ayon kay Melissa, ayaw niyang isiping sikat na siya. Katunayan, aminado siyang marami pa siyang dapat patunayan sa propesyong kanyang napili.
Masaya naman si Erich dahil kahit paano ay nagbubunga na ang kanyang paghihirap. After kasi niyang manalo sa isang talent search sa Dos, halos dalawang taon bago siya nabigyan ng break.
“Hindi ko ito nakuha nang mabilis. Nagtiis ako at nagsikap na maghintay kung kailan ako mabibigyan ng pagkakataon. At finally, unti-unti na akong napapansin ng Kapamilya,” sey ni Erich.
Samantala, itinanggi ng dalawang may iringan sa mga pagitan nila.
“Okey naman kami so far. Masaya kami sa set at nagtutulungan kami, nagsusuportahan,” sabi naman ni Melissa, na sinang-ayunan din ni Erich. «end»